Pilipinas, ipipilit ang claim sa South China Sea kung magmimina na ang China sa lugar

 

Mapipilitang igiit ni Pangulong Rodrigo Duterte ang naunang desisyon ng United Nations Arbitral Tribunal kung magkakaroon ng patunay na nagsisimula nang magmina ang China sa mga pinag-aagawang teritoryo sa South China Sea.

Matatandaang matapos maupo sa puwesto, inihayag na ni Pangulong Duterte na kanyang isasantabi ang UN ruling noong July 12 dahil ayaw niya itong ipilit sa China.

Giit pa ng pangulo, wala namang nagawa ang Amerika nang simulan ng China na magtaguyod ng mga isla sa pinag-aagawang teritoryo.

Matatandaang noong bago magtapos ang Aquino administration, inilabas ng UN tribunal ang desisyon na nagpapawalang-bisa sa pag-angkin ng China sa malaking bahagi ng South China Sea.

Gayunman, sa pag-upo ni Pangulong Duterte, sinabi nito na isasantabi niya muna ang naturang desisyon.

Read more...