Humihingi ng paumanhin si Pangulong Rodrigo Duterte sa mga hindi sinasadyang napapatay sa kanyang pinaigting na kampanya kontra droga.
Sa interview ng ANC sa Pangulo, inamin nito na may mga inosenteng biktima na bahagi ng ‘collateral damage’ na nadadamay sa gyera kontra droga.
Tulad na lamang aniya dito ang ilang mga menor de edad na tinatamaan ng bala sa ‘crossfire’ sa pagitan ng mga otoridad at mga drug pusher.
Paliwanag pa ng pangulo, sadyang may mga kaso na may mga aksidenteng tinatamaan ng bala na hindi naman sinasadyang paputukan sa ilang mga insidente.
Sakaling mangyari aniya ang ganitong pagkakataon, may posibilidad na mabigyan ng kaukulang tulong-pinansyal ang pamilya ng mga inosenteng nadadamay sa anti-drug war ng kanyang administrasyon.
Kasabay nito, hinihimok rin ng pangulo ang publiko na suportahan ang ‘war on drugs’ para sa ikabubuti ng lahat.