May kaugnayan sa illegal na droga ang naganap na pagsabog sa Hilongos, Leyte at sa iba pang bahagi ng bansa.
Ayon kay Pangulong Rodrigo Duterte, nagkakaroon kasi ng awayan ng teritoryo ang mga sindikato sa illegal na droga.
Bibisitahin ng pangulo bukas ang mga nasugatan sa pagsabog sa bayan ng Hilongos bukas bago umuwi ng Davao City.
Naniniwala ang pangulo na hindi ang New People’s Army ang nasa likod ng pambobomba sa Hilongos, Leyte dahil wala naman aniyang record ang rebeldeng grupo na mambomba sa mga inosenteng sibilyan.
Samantala, Mismong si PNP Chief Ronald “Bato” Dela Rosa na ang nag kumpirma na magkakapareho ang mga signature na nakuha mula sa 81mm na bomba na narekober mula sa pagsabog sa Hilongos Leyte kagabi at sa mga bomba na nakuha mula sa iba pang insidente ng pagpapasabog partikular sa Mindanao.
Ayon kay Dela Rosa, pare-parehong signature mula sa Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) ang nakita sa pangatlong bomba na hindi sumabog sa Hilongos at sa tangkang pagpapasabog sa US Embassy.
Sa ngayon, malaki anya ang posibilidad na may kinalaman sa iligal na droga ang motibo sa pagpapasabog sa nasabing lugar at posible rin ayon kay Dela Rosa na isang grupo ng Muslim mula Mindanao ang nasa likod nito.