Duterte: “Kudeta magiging madugo”

duterte-goldberg
Inquirer file photo

“I will give you a bloody nose”.

Ito ang naging mensahe ni Pangulong Rodrigo Duterte sa sinumang magtatangka na mapatalsik siya sa puwesto.

Ayon sa pangulo, mahihirapan ang sinuman na mapatalsik siya sa puwesto.

Una rito, sinasabing nagbabalak umano sina dating U.S Ambassador to the Philippines Philip Goldberg, dating Pangulong Fidel Ramos at Vice President Leni Robredo na mapatalsik siya sa puwesto.

Para naman sa ilang grupo na nagdi-demand na magbitiw siya sa puwesto, sinabi ng pangulo na kailangan nilang irespeto ang kontrata niya sa taongbayan.

Nangangahulugan na may mandato aniya siyang tuparin ang pagkapanalo niya dala ng pagluklok sa kaniya sa pwesto ng nakararaming Filipino. /

Sa kanyang pahayag sa Malacañang, sinabi rin ng pangulo na karamihan sa mga itinalagang ambassadors ng U.S sa Pilipinas ay pawang mga ahente ng Central Intelligence Agency (CIA).

Tulad ni Goldberg, sinabi ng pangulo na gusto ng U.S na maprotektahan ang kanilang interes sa bansa pero hindi umano siya papaya na mangyari ito lalo na ang pakiki-alam ng mga Amerikano sa ating gobyerno.

Read more...