PNP Chief napatakbo nang biglang umusok ang hawak na paputok

bato paputok1
Inquirer photo

Nagkagulo ang mga opisyal ng Philippine National Police habang ipinakikita sa mga miyembro ng media ang ilang legal na paputok na nakumpiska sa Bocaue, Bulacan.

Hawak ni PNP Chief Ronald Bato Dela Rosa ang isang piraso ng “Goodbye De Lima” nang bigla itong umuksok.

Mabilis na ibinato ni Dela Rosa ang paputok at saka siya tumakbong papalayo.

Pinulot naman ito ng isa pang pulis at saka ibinato sa gitna ng daan kung saan ito binuhusan ng tubig.

Sinabi ni Dela Rosa na magpapatuloy ang kanilang kampanya laban sa mga malalaking uri ng paputok at kabilang na rin dito ang mga nagdudulot ng pinsala sa mga kabataan tulad ng Piccolo at Watusi.

Bukod sa PNP, nakalaerto na rin ang buong pwersa ng Bureau of Fire Protection kaugnay sa pagsalubong sa taong 2017.

Read more...