Bilang ng kumpirmadong patay sa bagyong Nina umakyat na sa tatlo

MASBATE RETRIEVAL OPERATION / AUGUST 22, 2012 PHOTO FROM COAST GUARD PUBLIC AFFAIRS OFFICE
Inquirer file photo

Kinumpirma ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) na umakyat na sa tatlong ang kumpirmadong patay kaugnay sa pananalasa ng bagyong Nina.

Ang mga biktima ay sina Gregori Ruel at Periga Lociela, 60, ng Mulanay, Quezon at  Lyca Banaynal, 20, crew member ng  M/V Starlite Atlantic na lumubog sa Batangas province noong Lunes ng tanghali.

Samantala, mayroon pa ring 10 katao ang pinaghahanap o missing matapos ang pananalasa ng bagyong Nina Ayon kay NDRRMC Spokesman Mina Marasigan.

Kabilang sa mga nawawala ay kasama sa lumubog na barko sa Batangas, isa ay mula sa Eastern Samar at dalawa ay mula sa Oriental Mindoro.

Umaabot na sa mahigit P681 Million ang naitatalang danyos ng bagyo sa Calabarzon, Bicol at Mimaropa regions.

Karamihan umano dito ay mga nawasak na mga tulay at mga imprastraktura.

Sa ngayon, ani Marasigan, nagpapatuloy ang clearing ops sa mga kalsada at tulay sa mga prob tinamaan ng bagyo upang hindi umano manatili na isolated ang mga lugar.

Read more...