Libreng pagpapagamot at cash para sa mga biktima ng pagsabog sa Leyte at Cotabato

Leyte bombing
Inquirer photo

Binigyan ng tig P5,000 na ayuda ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang mahigit sa tatlumpung katao na nasugatan s pagsabog sa plaza sa Hilongos, Leyte at maging ang mga nabiktima ng pagsabog sa bayan ng  Aleosan, Cotabato kagabi.

Sa pulong balitaan sa Malacañang, sinabi ni DSWD Secretary Judy Taguiwalo na sasagutin na rin ng pamahalaan ang bayarin sa ospital ng mga nasugatan.

Kasabay nito, humingi ng sorry si Taguiwalo sa mga kagawad ng media dahil sa maling impormasyon na naibigay kagabi kay Presidential Spokesman Ernesto Abella.

Sa mensahe ni Taguiwalo kay Abella, sinabi nito na sampu na umano ang nasawi sa pagsabog sa Leyte gayung wala naman.

Samantala, wala ibinigay na kategoryang pahayag o pag- kundena ang administrasyon kaugnay sa magkasunod na pagsabog.

Sa halip, tanging sinabi ni Abella na iniimbestigahan na umano ng mga otoridad ang pagsabog.

Read more...