Tunisian na posibleng sangkot sa Berlin Christmas market attack, hawak na ng mga otoridad sa Germany

Photo Credit: https://travelaway.me/
Photo Credit: https://travelaway.me/

Inaresto ng mga otoridad sa Germany ang isang lalaking Tunisian na hinihinalang sangkot sa pag-araro ng isang truck sa Berlin Christmas market na ikinasawi ng labingdalawang katao.

Ang nasabing pag-atake ay inako ng Islamic State militant group.

Ang cellphone number ng 40-anyos na Tunisian ay nakitang naka-save sa cellphone ni Anis Amri, na siya namang nang-hijack sa truck na may lulang mga steel rod at umararo sa mga taong namimili sa Christmas market.

Naaresto ang hindi pa pinangalanang suspek sa kaniyang bahay sa Berlin at ngayon ay nakasailalim sa temporary detention.

Habang si Amri, na isang asylum seeker at mula rin sa Tunisia ay napatay sa engkwentro sa mga pulis sa Italy noong December 23.

May mga ebidensyang nakita sa pag-iingat ni AMri na nagpapakita na ito ay nag-research pa sa internet kung paano makabuo ng pipe bombs at paano gumawa ng explosive materials.

Nakipag-ugnayan din umano si Amri sa Islamic State noong buwan ng Pebrero para mag-alok na siya ay maging isang suicide bomber.

 

Read more...