Gayunman, ayon kay PAGASA Forecaster Shelly Ignacio, masyado pang malayo ang lokasyon nito, at kung sakali mang papasok ito ng bansa ay sa susunod na taon na.
Sa pagtaya ng PAGASA, kung magtutuloy-tuloy ang LPA sa kasalukuyang direksyon nito, sa January 2 o 3 na ang pasok nito sa Mindanao.
At kung maging isang ganap na bagyo, balik na sa letrang “A” ang pangalan ng mga bagyo at tatawagin itong “Auring”.
Sa ngayon, northeast monsoon ang umiiral sa Northern Luzon.
Ayon sa PAGASA, maulap na papawirin na mayroong light hanggang moderate na pag-ulan ang mararanasan sa Cagayan Valley at sa lalawigan ng Aurora.
Habang mahinang pag-ulan lamang ang mararanasan sa mga Rehiyon ng Ilocos at Cordillera.
Sa Metro Manila at sa nalalabing bahagi ng bansa, ay makararanas lamang ng isolated na pag-ulan at thunderstorms.