(UPDATE:) 31 sugatan sa pagsabog sa pyesta sa Leyte

 

Contributed photo/Michael Bardos

(UPDATE) Hindi bababa sa 31 katao ang nasugatan sa isang pagsabog na naganap sa plaza sa bayan ng Hilongos sa Leyte, pasado alas-9:00 ng gabi ng Miyerkules.

Base sa mga inisyal na impormasyong natanggap ni Leyte Gov. Dominico Petilla, nagaganap ang isang laban ng boksing bilang bahagi ng pista sa Rizal Plaza nang biglang may sumabog.

Ayon kay Petilla, hindi umano bababa sa 31 katao ang nasugatan, at ang dalawa dito ay nasa kritikal na kalagayan.

Kinukumpirma pa naman ng opisina ni Petilla ang mga ulat na may sampung nasawi sa insidente.

Sinimulan na ng mga pulis ang kanilang imbestigasyon, at ngayon ay tinutukoy na kung sino ang mga suspek pati na ang mga motibo nito sa pagpapasabog sa lugar.

Samantala, lumilitaw sa inisyal na imbestigasyon ng mga otoridad na tatlo ang ginamit na improvised explosive device (IED) ng mga hindi pa nakilalang suspek sa krimen.

Dalawa sa mga ito ang sumabog gamit umano ang cellphone bilang triggering device samantalang ang isa ay hindi sumabog at na-defuse ng mga rumespondeng tauhan ng explosive and ordnance division team.

Read more...