Ina ni L/Cpl Pemberton, hindi pa rin maka-testigo sa kaso ng kanyang anak sa Olongapo RTC

 

radyo.inquirer.net file photo

Muli na namang hindi natuloy ang pag-testigo ng nanay ni US Marine Lance Corporal Joseph Scott Pemberton sa Olongapo city RTC Branch 74 para sa kasong pagpatay kay Jennifer Laude.

Ito ay dahil hindi pa nareresolba ni Judge Roline Ginez-Jabalde ang Motion for Reconsideration ng prosekyusyon kaugnay sa hindi nito pagtanggap sa ibang mga mahahalagang ebidensya sa formal offer of evidence nito.

Dapat sana ay ihaharap ngayong hapon bilang testigo ang nanay ni Pemberton na si Lisa Pemberton bilang unang testigo.

Oktubre 11 ng nakaraang taon, nadiskubre patay ang biktimang si Laude sa loob ng comfort room ng Celzone Lodge sa Olongapo City.

Huling nakitang kasama ni Laude ang sundalong si Pemberton sa isang bar bago magkasamang nagtungo ang dalawa sa naturang motel./Erwin Aguilon

 

Read more...