NBA Star na si Lebron James, muling bibisita sa Maynila

 

lebron james
Mula sa inquirer.net

Makikitang muli ng mga Pinoy basketball fans ang two-time NBA champion na si Lebron James.

Ayon sa Twitter account ng Nike Philippines, nakatakdang bumalik sa bansa ang NBA Superstar bilang mentor ng Nike Rise Program.

Inasaahan ang pagdalaw muli ni James sa August 19.

Si James ang ikalawang basketball star na bahagi ng Rise Program kung saan ang una ay si Indiana Pacers star player na si Paul George.

Una nang nagtungo si James dito sa Maynila noong July 2013./ Jay Dones

 

Read more...