Pinalawig ng Bangko Sentral ang pagkakataon ng publiko na papalitan sa mga bangko ang mga lumang pera na kanila pa ring hawak hanggang sa ngayon.
Sa abiso ng BSP, extended hanggang March 31, 2017 ang deadline upang maipagpalit ang mga lumang pera sa ‘new generation series’ na dapat sana ay hanggang December 31, 2016 na lamang.
Ayon kay BSP Deputy governor Nestor Espenilla Jr., ang extension ng deadline ay upang mabigyan pa ng karagdagang pagkakataon ang publiko na maipagpalit ang kanilang mga naitatagong lumang pera.
Sa taya ng BSP, nasa 9% o
Ang mga lumang pera aniyang ito ay hindi na maaring magamit upang maipambili ng anumang uri ng produkto o serbisyo.
Maari na lamang itong dalhin sa alinmang bangko upang mapalitan ng bago.
Ang Alinmang bangko aniya na tatanggi na palitan ang mga lumang pera ay papatawan ng parusa ng BSP.