Mga hindi lisensyadong online gaming lamang ang maaring ipasara-Pagcor

 

Taliwas sa naunang ipinahayag ni Pangulong Rodrido Duterte na ipapasara ang lahat ng mga online gaming companies, tanging ang mga walang lisensyang online gaming firms ang maipapasara ng gobyerno.

Ito ang nilinaw ni Philippine Amusement and Gaming Corporation (Pagcor) Chair Andrea Domingo sa isang statement.

Ayon kay Domingo, lahat ng mga aplikasyon para sa online gaming ang kinakailangang dumaan sa Pagcor.

Matatandaang noong December 23, sinabi ni Pangulong Duterte na kanyang ipinag-uutos ang pagpapasara ng lahat ng online gaming sa bansa.

Giit ng pangulo, walang pakinabang ang Pilipinas sa naturang uri ng laro.

Paliwanag pa ng pangulo, bagamat dito sa Pilipinas ang operasyon ng online gambling, sa labas ng Pilipinas nagaganap ang tayaan.

Read more...