Mga kritiko ng 2016 National Budget, hinamong patunayan na may ‘pork barrel’ pa ito

 

Inquirer file photo

Hinamon ni Budget Secretary Butch Abad ang mga kritiko ng gobyerno na magbigay na “specifics” sa umano’y ‘pork barrel na nasa ilalim ng panukalang 2016 National Budget.

Ayon kay Abad, hindi niya maintindihan kung bakit hindi mamatay-matay ang mga alegasyon na may pork barrel na napasama o nakasingit sa pambansang pondo sa 2016.

Giit ni Abad, tatlo lamang ang lump sums sa 2016 budget: ang 19 billion peso Calamity Fund, 4-billion peso Contigency Fund at ang mahigit 50 billion peso Assistance to Local Government Units.

Binigyang-diin pa ni Abad na ang ibang lump sum ay mayroong detalye, pero hindi lamang maisama sa budget dahil masyadong kakapal ang kopya nito.

Kabilang dito ang listahan ng Conditional Cash Transfer o CCT program beneficiaries na mayroong 62 Billion pesos na alokasyon at listahan ng mga retiradong government employees na popondohan ng pension fund.

Pagtitiyak ni Abad, sila sa gobyerno ay kayang-kayang sagutin at ipaliwanag ang mga detalye sa pambansang pondo, at patunayan na “porkless” ito. / Isa Avendaño-Umali

 

 

Read more...