LTFRB, nilimitahan ang price surge ng Uber at Grab

uber-grabcar-1204-660x371 (1)Iniutos ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) sa mga Transport Network Companies (TNCs) na Uber at Grab na limitahan ang kanilang “surges” sa dobleng rate lamang.

Ang naturang desisyon ay matapos bigyan ng babala ng ahensya ang dalawang ride-sharing companies dahil sa sobra-sobrang pamasahe nitong Christmas holidays.

Nakasaad sa kautusang nilagdaan ni LTFRB Chairman Martin Delgra III na ang maximum na pwede lang singilin na pamasahe ay ang hanggang doble lang ng rate para sa oras at haba ng biyahe kung saan hindi kasama ang base fare.

Ayon sa LTFRB, hindi maapektuhan ng nasabing base fare ng dalawang kumpanya kung saan ang flagdown rate ng Uber ay P40 habang ang Grab ay P30.

Sinabi naman ni LTFRB Board Member Aileen Lizada na ang naturang desisyon ay base sa formula na parehong magiging rasonable sa panig ng TNCs at mga commuters.

Read more...