Duterte sa Malacañang sasalubungin ang 2017

Duterte christmas 16Sa Malacañang sasalubungin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Bagong Taon.

Sa kanyang talumpati sa harap ng mga nabiktima ng bagyong Nina sa Catanduanes, sinabi ng pangulo na ito ay dahil sa kinakailangan niyang atupagin ang tambak na mga trabaho.

Sinabi ni Duterte, “So I hope that…Uuwi muna ako, Davao, then I have a flight tomorrow. We will be spending our New Year sa Manila na lang…sa opisina”.

Ayon sa pangulo, magpapatawag siya ng meeting ngayong araw o bukas para alamin ang lawak ng pinsala na iniwan ng bagyong sa Nina.

Pagtitiyak ni Duterte, kinakailangan na maibigay kaagad sa mga nasalanta ng bagyo ang mga kinakailangan na ayuda.

Kahapon personal na nagtungo ang pangulo sa Bicol region para mamahagi ng relief goods.

Bitbit ng pangulo ang mga kalihim ng Department of Social Welfare and Development, Department of Energy at Department of Education na agad na nagsagawa ng assessment.

Read more...