Naniniwala si Pangulong Rodrigo Duterte na propaganda lamang ng mga bugok na pulitiko ang pamamahagi ng relief goods sa mga nabibiktima ng bagyo na ipinakikita pa sa mga kasapi ng media.
Ayon sa pangulo, ito ang dahilan kung kaya tinatanggihan niya ang mga ceremonial relief giving.
Paliwanag ng pangulo, hindi naman galing sa bulsa niya ang ipinamimili ng relief goods kundi pera ng taong bayan.
Una rito, sinabi na ng pangulo na nakokornihan siya at tumatayo ang kanyang balahabo kapag nagbibigay ng relief goods at nagdadrama sa harap ng telebisyon.
“Alam mo may peculiar practice ng gobyerno na ayaw ko. Iyong ako ang kunwari magbibigay ng tulong, ceremonial gift-giving, ayaw ko niyan. Hindi ko naman…Hindi naman akin ‘yan pera naman ninyo, pera ko rin, it’s the people’s money. It’s really a propaganda which I hate”, ayon pa sa pangulo.