Mga abusadong tsuper ng taxi aalisan ng lisensya ayon sa LTFRB

Taxi pasaway
Inquirer file photo

Matapos ang Uber at Grab, binalaan naman ngayon ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang mga abusado at mapagsamantalang taxi driver.

Sa harap ito ng mga nakakarating sa kanilang reklamo ng overpricing, pangongontrata at pagtanggi sa mga pasahero ng mga taxi driver ngayon panahon ng kapaskuhan.

Ayon sa LTFRB, may kapangyarihan sila na irekomenda sa Land Transportation Office (LTO) na kanselahin ang mga driver’s license ng nasabing taxi driver.

Inatasan din ng LTFRB ang mga taxi operators na mahigpit na imonitor at pangaralan ang mga driver nito dahil kung hindi ay maaaring masuspinde o di kaya ay makansela ang Certificate of Public Convinience (CPC) ng mga cab operators.

Kaugnay nito, hinikayat ng LTFRB ang mga netizens na patuloy na magpadala ang mga reklamo kasama ang mga detalye tulad ng lugar ng pinangyarihan, uri ng reklamo at larawan ng driver at iba pang detalye kung meron.

Tiniyak ng LTFRB na binabasa nito ang lahat ng ipinadadala sa kanilang reklamo.

Read more...