Suspendido na muli simula bukas ang pag-iral ng number coding sa Metro Manila, kahit regular working day pa o may pasok pa sa mga trabaho ang mga manggagawa.
Ito ay para mabigyang pagkakataon ang mga motorista na makabiyahe na simula bukas pauwi sa mga lalawigan para sa pagsalubong sa Bagong Taon.
Pero ayon sa abiso ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), hindi kasama sa nagsuspinde ng number coding bukas ang lungsod ng Makati.
Sa December 30 naman, Rizal Day, at sa January 2 na deklaradong special non-working holiday ay suspendido na din ang number coding sa Metro Mnaila kasama na ang Makati City.
Inaasahang simula bukas ng hapon ang dagsa na ang mga motorista at maraming pasahero na uuwi sa mga lalawigan para salubungin ang Bagong Taon.
Mayroon kasing apat na araw na bakasyon ang mga manggagawa matapos idagdag ng Malakanyang ang January 2, araw ng Lunes sa deklaradong holiday.