Mga nasunugan sa NIA Road sa QC, ire-relocate ayon kay Mayor Herbert Bautista

Inquirer Photo | Niño Jesus Orbeta
Inquirer Photo | Niño Jesus Orbeta

Ire-relocate ang nasa isang libong pamilya na nasunugan kagabi sa NIA Road, Barangay Pinyahan sa Quezon City.

Ayon kay Quezon City Mayor Herbert Bautista, ang lupa na kinatitirikan ng mga nasunog na bahay ay pag-aari ng National Housing Authority (NHA).

Sinabi ng alkalde na bibigyan ng maayos na relokasyon ang mga apektado ng sunog.

Kaninang umaga, binisita ni Bautista ang mga nasunugan, at nagbigay ang mga tauhan ng Social Welfare Office ng makakain para sa mga biktima.

Pumila ang mga nasunugan sa covered court ng barangay para makakuha ng tulong.

Halos walang naisalbang gamit ang mga biktima ng sunog dahil sa bilis ng pagkalat ng apoy sa kanilang mga kabahayan.

Matapos maapula ang apoy, nagsibalik sa kani-kanilang mga bahay ang mga residente, sa pag-asang may makukuha pa silang bagay na maaring mapakinabangan.

Read more...