High Profile inmate ng Bilibid na si Jaybee Sebastian, inilipat sa NBI

Radyo Inquirer File Photo | Richard Garcia
Radyo Inquirer File Photo | Richard Garcia

Nasa detention facility na ng National Bureau of Investigation (NBI) ang high profile inmate na si Jaybee Sebastian.

Kinumpirma ni Justice Sec. Vitaliano Aguirre II na si Sebastian ay nasa kostodiya na ngayon ng NBI.

Ani Aguirre, naging mahigpit ang pagbabantay sa seguridad nang ilipat kagabi sa NBI si Sebastian.

Hindi naman tinukoy ni Aguirre kung ano ang dahilan ng pagdadala dito sa NBI.

Magugunitang si Sebastian ay isa sa mga BIlibid high profile inmates na tumestigo laban kay Senator Leila De Lima sa isinagawang pagdinig sa kamara hinggil sa paglaganap ng illegal drug trade sa bilangguan.

Isa din si Sebastian sa mga nasugatang preso nang magkaroon ng kaguluhan sa Building 14 ng maximum security compound.

 

Read more...