Umakyat na sa pito ang bilang ng mga nasawi nang dahil sa pananalasa sa bansa ng bagyong Nina.
Labingwalo naman ang nawawala na kinabibilangan ng mga crew ng lumubog na barko sa Batangas.
Ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), pinakamatinding napinsala ng bagyo ang lalawigan ng Albay at Catanduanes.
Ngayong araw naman itutuloy ng mga tauhan ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) ang pagsasaayos sa mga linyang nasira ng bagyo.
Sa lalawigan ng Marinduque, sinabi ng Department of Energy (DOE) na target nilang magkaroon ng full restoration ng kuryente sa Biyernes.
Hiniling din ng DOE ang tulong ng mga local power distributor para maibalik ang suplay ng kuryente sa mga lugar na nasalanta sa Catanduanes, Camarines Sur, Quezon at Batangas.