Satisfaction ratings nina Robredo, Pimentel, Alvarez at Sereno, bumaba

 

Sa kabila ng pagbaba ng 12 puntos, nananatiling ‘good’ pa rin ang natanggap na net public satisfaction rating ni Vice President Leni Robredo sa fourth quarter survey ng Social Weather Stations (SWS) para sa taong ito.

Ngunit hindi lang naman si Robredo ang nakatanggap ng pagbaba sa puntos sa net satisfaction rating, dahil gayundin ang nangyari sa ibang matataas na opisyal ng pamahalaan.

Base sa survey, 58 percent ng kanilang respondents ay kuntento naman sa performance ni Robredo, habang 21 percent ang dissatisfied at 20 percent ang undecided.

Dahil dito, nakakuha ng net rating si Robredo ng +37, na 12 puntos ang ibinaba mula sa kaniyang third quarter rating na +49. Gayunman, pasok pa rin naman siya sa “good” rating ng SWS.

Samantala, bumaba rin ang net satisfaction rating na natanggap nina Senate President Koko Pimentel, House Speaker Pantaleon Alvarez at Chief Justice Maria Lourdes Sereno.

Nasa 49 percent ang satisfied kay Pimentel sa fourth quarter, habang 18 percent ang dissatisfied na nagbigay sa kaniya ng “good” rating na +30 mula sa dati niyang +37.

Nakakuha naman ng “moderate” rating si Alvarez na +10, mula sa dati niyang +22, dahil 33 percent ang satisfied sa kaniya habang 23 percent ang dissatisfied.

Sampu naman ang ibinaba ng rating ni Sereno na “moderate” +16 na lang ngayon, mula sa dating +26 na pinakamataas na nakuha ng most senior judge sa bansa ayon na rin sa talaan ng SWS.

 

Read more...