‘Martial law ipatutupad lamang kung kailangang-kailangan’ – Abella

 

Inquirer file photo

Magdedeklara lamang ng martial law si Pangulong Rodrigo Duterte kung ito’y kailangang-kailangan at upang maprotektahan ang kaligtasan ng taumbayan.

Ito ang paggiit ni Presidential spokesperson Ernesto Abella kasabay ng pagsasabing walang balak ang pangulo na basta na lamang magdeklara ng martial law nang walang sapat na basehan.

Matatandaang kamakailan sa kanyang talumpati sa Pampanga, nais nito na ang Chief Executive na lamang ang may kapangyarihang magdeklara ng martial law at hindi na ito idinadaan pa sa pagsang-ayon ng Kongreso at Korte Suprema.

Giit ni Abella, hindi dapat ‘literal’ na tinatanggap ang naging pahayag ng pangulo.

Kung iintindihin aniya ang naging mensahe ni Pangulong Duterte, malinaw na wala sa plano nitong magpatupad ng martial law sa hinaharap.

Read more...