Mga bahay tinutupok ng malaking sunog sa Quezon City

fire-stock-photo (1)Breaking News: Itinaas na sa Task Force Bravo ang sunog na tumutupok sa mga kabahayahan sa NIA Road Barangay Piñahan sa Quezon City.

Sa ulat ng Bureau of Fire Protection, sinasabing 6:32PM nang makatanggap sila ng tawag kaugnay sa nagaganap na sunog.

Bagaman mabilis ang kanilang pagresponde ay naging mabilis pa rin ang pagkalat ng apoy dahil gawa sa mga light materials ang karamihan sa mga bahay sa lugar.

Bukod sa mga fire trucks ng BFP, tumutulong na rin sa pag-apula ng sunog ang ilang mga fire volunteers.

Read more...