Duterte dumalaw sa mga biktima ng bagyo sa Bicol

Duterte Bicol
Inquirer file photo

Pinangunahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang inspeksyon at pamamahagi ng relief goods sa mga nabiktima ng bagyong Nina.

Pasado alas-tres hapon ay magtutungo ang pangulo sa Provincial Capitol ng Catanduanes para sa ceremonial distribution ng relief goods.

Sinundan naman ito ng pagpunta ng pangulo sa Provincial Capitol ng Camarines Sur sa bayan ng Pili para mamahagi rin ng relief goods sa mga biktima ng bagyong Nina.

Inutusan ng pangulo ang mga opisyal ng Department of Energy na bilisan ang pagsasa-ayos ng kuryente sa lugar.

Nauna dito ay inatasan ng pangulo si Social Welfare Sec. Judy Taguiwalo na tiyaking mabilis na maibibigay ang tulong sa mga biktima ng kalamidad.

Regular din siyang tumatanggap ng updates mula sa mga opisyal ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) dahil walang available na mga flights para makapunta sa Bicol region o kaya ay sa MalacaƱang.

Nakatakda ring bumalik mamayang gabi sa Davao City si Duterte para dumalo sa Christmas Party ng mga Barangay Officials doon.

Read more...