Mahigpit ang naging babala ni Philippine National Police (PNP) Chief Ronald Dela Rosa para sa mga gun owners at mga alagad ng batas na masasangkot sa indiscriminate firing sa pagsalubong sa Bagong Taon.
Sa kanyang mensahe mula sa Camp Crame, sinabi ng opisyal na titiyakin niyang mananagot sa batas ang mga magpapaputok ng baril.
Inatasan rin niya ang mga tauhan ng PNP na mas maging alerto sa bisperas ng Bagong Taon at kaagad na arestuhin ang mga mapapatunayang nagpaputok ng baril bilang bahagi ng kasiyahan.
“No mercy kami ngayon sa inyo. Kapag kayo’y nahuling nag-indiscriminate firing, you will face the full force of law, lalong-lalo na kung kayo ay pulis,” ayon kay Dela Rosa.
Binigyan din niya ng go signal ang kanyang mga tauhan ang bahay ng mapapatunayang nagpaputok ng baril kung ayaw ng mga ito na sumama ng maayos sa mga pulis.
Ayon kay Dela Rosa, “Kakatukin ang bahay n’yo. Kung ayaw n’yo silang papasukin, they will break into your house,” Dela Rosa told the public. “I hope everyone cooperates. Gusto niyo ng pagbabago, magbago na rin po tayo. Ipakita natin sa buong mundo na ang Pilipino, disiplinado.”
Ngayong taon ay hindi na lalagyan ng tape ang mga baril ng mga tauhan ng PNP para ipakita sa publiko na sila ay mga disiplinado base na rin sa naging kautusan ni Dela Rosa.