Biyahe ng MRT, nagka-aberya

File Photo | Alvin Barcelona
File Photo | Alvin Barcelona

Nakaranas ng aberya ang biyahe ng Metro Rail Transit (MRT).

Sa abiso ng MRT, alas 9:01 ng umaga nang pababain ang mga pasahero ng isang tren sa bahagi ng Ayala station northbound.

Nakaranas umano ng technical problem ang nasabing tren.

Ayon kay MRT officer-in-charge Deo Leo Manalo, nagkaroon ng “on-board error” sa isang panel ang naturang tren kaya para sa kaligtasan ng mga pasahero nito ay pinababa na lamang sila at saka pinalipat sa kasunod na tren.

Paliwanag ni Manalo, simpleng problema lamang ang naranasan, pero para sa safety precaution, minabuting ilipat na lang ang mga pasahero.

 

Read more...