Pangulong Duterte, mamamahagi ng relief goods sa mga nasalanta ng bagyong Nina

Photo courtesy of OCD Region 5
Photo courtesy of OCD Region 5

Pangungunahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pamamahagi ng relief goods sa mga nabiktima ng bagyong Nina.

Alas 2:00 mamayang hapon, magtutungo ang pangulo sa provincial capitol ng Virac sa Catanduanes para sa ceremonial distribution ng relief goods.

Pagkatapos nito, alas 4:00 ng hapon, magtutungo naman ang pangulo sa provincial capitol ng Pili sa Camarines Sur para mamahagi rin ng relief goods sa mga nabiktima ng bagyo.

Agad namang lilipad ang pangulo patungo ng Davao ng alas 7:00 ng gabi para sa Christmas party ng mga barangay officials.

Read more...