WATCH: Mga stranded na pasahero sa Araneta Bus Terminal, makakabiyahe na pauwi ng kanilang probinsya

Kuha ni Wilmor Abejero
Kuha ni Wilmor Abejero

Inaasahang ngayong araw makakabiyahe na patungong Iloilo at Davao ang tinatayang 500 kataong na-stranded sa Araneta Bus Terminal sa Quezon City simula pa noong Pasko.

Nauna nang tumulak kahapon pa-Visayas ang mahigit 300 kataong stranded din.

Ayon sa coordinator ng bus terminal na si Rolan Tagle, nasa mahigit 20 bus ang darating ngayon mula sa probinsya.

Ang nasabing mga parating na bus ay kabilang sa mga na-stranded dahil sa pananalasa ng bagyong Nina.

Samantala, patuloy pa rin ang pagdagsa ng mga tao sa nasabing terminal sa pag-asang makauwi sa kanilang lalawigan para doon salubungin ang Bagong Taon.

Ayon kay Tagle, inaasahang nasa 8,000 pasahero ang dadagsa sa Araneta bus center simula bukas.


 


 

Read more...