Ayon kay Josephine Belotindos ng DSWD, mula sa DSWD-Region 7 ang mga food packs na ito, at ang kada kahon ay kakasya para sa tatlong araw na pangangailangan ng bawat pamilya.
Dalawang eroplano pa mula sa Mactan, Cebu ang pupunta doon ngayong araw para magdala ng mga karagdagan pang pagkain sa mga biktima ng bagyo.
Nang pabalik naman na ang naturang C130 plane, 15 pasahero ng mga commercial flights ang isinakay nito upang subukang makakuha ng flights sa Manila at mahabol ang kanilang international flights.
Samantala, muli naman nang magpapatuloy ang mga ferry service ngayong araw, pati na rin ang mga regular na flights patungo at mula sa Catanduanes.