Pinay, nakulong sa Kuwait dahil sa pagsali sa IS

IsisNahatulan ng 10 taong pagkakakulong ang isang Pilipina sa Kuwait matapos umano siyang umanib sa Islamic State jihadist group, at pagpaplano ng mga pag-atake.

Hindi pa naman pinal ang naturang desisyon ng korte sa Kuwait, ngunit ipinanawagan rin dito na mai-deport ang 32-anyos na Pilipina kapag natapos na niya ang kaniyang sentensya.

Naaresto ang Pinay noong Agusto, dalawang buwan matapos dumating sa Kuwait para manilbihan bilang isang domestic helper.

Sa panahong iyon, sinabi ng interior ministry na umamin ang Pilipina na isa siyang miyembro ng Islamic State group at na kasama siyang nagpaplano ng mga pag-atake.

Sinabi rin umano ng ginang sa mga interrogators na ang kaniyang asawa ay isang aktibong mandirigma ng IS sa Libya, at na pinapunta siya sa Kuwait mula sa Pilipinas bilang domestic helper.

Ilang miyembro, sympathisers at financiers na rin ng IS ang nasintensyahan ng mga korte sa Kuwait ng iba’t ibang parusa.

Noong Oktubre lamang ay isang Egyptian dirver ang inaresto gn Kuwait police matapos mapaghinalaang miyembro ng IS nang bungguin nito ang isang pick-up na may sakay na limang Amerikano, gamit ang isang garbage truck.

Read more...