Unang aircraft carrier ng China, naglayag sa South China Sea

China-aircraft-carrier_APKinumpirma ng Defense Ministry ng Taiwan na naglayag ang kauna-unahang aircraft carrier ng China, pati na ang limang iba pang warships nito sa South China Sea at dumaan pa sa Taiwan.

Ayon sa ministry, pinangunahan ng Liaoning ang mga barko na naglayag noong Lunes, at dinaanan ang Pratas Islands na kilala rin bilang Dongsha Islands, na isang Taiwan-controlled atoll sa hilagang bahagi ng South China Sea.

Ayon naman sa Defense Ministry ng China, nag-layag ang Liaoning para sa isang routine open-sea exercise sa Western Pacific, bilang bahagi ng taunang training nito.

Gayunman, pinaigting ng naturang aktibidad ang tensyon sa pagitan ng Beijing at ng Taipei, dahil sa isyu nila sa teritoryo.

Matatandaang ikinukonsidera ng China na bahagi nila ang Taiwan, ngunit tumanggi si Taiwanese President Tsai Ing-wen na tangkilikina ng naturang one-China policy.

Read more...