Bagyong Nina, huling bagyo na nga ba para sa taong 2016?

NIna Last picWala nang nakikitang bagong sama ng panahon ang PAGASA na maaring pumasok sa Philippine Area of Responsibility.

Ayon kay Robert Badrina, weather forecaster ng PAGASA, base sa kanilang pagtaya, posibleng ang bagyong Nina na ang huling bagyo para sa taong 2016.

Pero bagama’t wala nang nakikitang bagong sama ng panahon, sinabi ni Badrina na makararanas pa rin ng malalakas na alon ang hilagang bayabayan ng Hilagang Luzon dahil naman sa hanging amihan.

Ayon kay Badrina, alas dos kaninang hapon lumabas na sa landmass ang bagyo.

Ibig-sabihin, nasa karagatan na ng West Philippine Sea ang bagyong Nina.

Sa Miyerkules ng madaling araw inaasahang lalabas ng PAR ang bagyong Nina at dadaan ito sa West Philippine Sea .

Read more...