Sa 5PM weather advisory ng Pagasa, si Nina ay namataan sa layong 75 kilometers Timog-Silangan ng Subic, Zambales.
Taglay pa rin ni Nina ang lakas na 120 kilometers per hour at pagbugsong aabot sa 180 kph habang tinatahak ang direksyong West Northwest.
Bagaman may mga pag-ulan pa ring mararansan ito raw ay epekto ng Amihan ayon pa sa Pagasa.
Sa Miyekules, December 28 ay inaasahang tuluyan ng makalalabas sa Philippine Area of Responsibility ang bagyong Nina.
Nakataas pa rin ang Tropical Cyclone Waring Signal (TCWS) sa ibabaw ng Lubang Island at Kanluran ng lalawigan ng Batangas.
Nananatili naman ang signal number 2 sa Zambales, Bataan, natitirang bahagi ng Batangas, Cavite at Northern part ng Occidental and Oriental Mindoro.
Idinagdag rin ng Pagasa na wala silang nakikitang sama ng panahon na papasok sa bansa hanggang sa unang araw ng taong 2017.