Namahagi na ng tulong ang Department of Social Welfare and Development sa mga biktima ng bagyong Nina.
Ayon kay DSWD Sec. Judy Taguiwalo, kahapon pa lamang ay nakapagsimula na silang maghatid ng relief assistance sa mga pamilyang apektado ng kalamidad.
Nasa 60,000 pouches ng arroz caldo na ang naihatid sa iba’t ibang DSWD field offices habang may dagdag pang 50,000 family food packs na dadalhin ngayong hapon sa mga nasalanta ng bagyo.
Patuloy din ang ahensya sa pagrerepack ng relief goods.
Hinimok naman ng kalihim ang publiko na magvolunteer sa pag-repack ng relief boxes at pamamahagi ng tulong upang mapabilis ang pagbibigay ng mga ito sa mga apektadong residente.
Nanatiling naka-alerto naman ang DSWD sa pagmonitor sa galaw ng bagyong Nina.
Nilinaw rin ng kalihim na may sapat na pondo ang kagawaran para tulungan ang mga naging biktima ng bagyo.