Iniulat ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na winasak rin ng bagyo ang ilan sa kanilang mga military facilities sa Bicol Region.
Sinabi ni AFP Spokesman BGen. Restituto Padilla na nasira ang bahagi ng kampo ng 83rd Infantry Batallion ng Philippine Army sa lalawigan ng Catanduanes kung saan ilang mga sundalo rin ang nagtamo ng minor injuries habang binabayo sila ng bagyong Nina.
Winasak rin ng bagyo ang ilang kagamitan at bahagi ng kampo ng 9th Infantry Division ng Philippine Army sa Naga City.
Sa ngayon, sinabi ni Padilla na abala ang mag tauhan ng militar sa pagtulong sa mga nasalanta ng bagyon sa iba’t ibang panig ng bansa.
Pero nilinaw ng opisyal na nanatili silang nasa heightened alert para matiyak ang kaligtasan ng publiko sa paghahanda sa pagsalubong sa 2017.
Ginagamit rin sa search and rescue operations ang ilang mga military hardware ayon pa sa opisyal.