Aabot sa siyam na kalsada ang hindi madaanan ngayon ng mga motorista sa may bahagi ng Bicol region at Region 4A.
Resulta ito ng patuloy na pananalasa ng bagyong Nina.
Ayon sa ulat ng Department of Public Works and Highways (DSWD), hindi madaanan sa ngayon ang mga kalsada dahil sa nagbagsakang puno, nabuwal na poste ng kuryente at pagguho ng lupa.
Kabilang sa mga nasirang daan ay ang mga sumusunod:
- Daang Maharlika Highway sa Naga City-Milaor Boundary Rod dahil sa bumigay na boundary marker;
- Tigaon-Goa-Lagonoy-Caramoan Road at Pili-Tigaon-Albay Boundary Road dahil sa mga nabuwal na puno;
- Kilometer 460 ng Daang Maharlika Highway na sakop ng Sta. Teresita, Baao sa Camarines Sur bunsod rin ng nagbagsakang mga puno;
- Intermittent section ng Catanduanes Circumferential Road
- Junction Bato-Batas Road
- Baras-Gigmoto-Viga Road
- Junction Catanduanes Circumferential Road-Panganiban Sabloyon Road.
Sa Region 4-A, dalawang mga kalsada naman ang sarado muna sa mga motorista dahil sa direktang epekto ng Bagyong Nina at ito ay ang mga sumusunod:
- Querocep Bridge Kilometer 109 sa Real, Quezon dahil sa bumigay na tulay;
- Diokno Highway Kilometer 72 sa Calaca, Batangas dahil sa bumigay na slope protection.
Hindi rin madaanan ang bahagi ng Kilometer 107 sa Marikina-Infanta Road sa Quezon dahil naman sa landslide at gumuhong bato dahil sa matinding pag-ulan na dulot ng easterlies noong December 21.
MOST READ
LATEST STORIES