Umabot sa 300,000 katao mula sa apat na mga rehiyon ang kasalukuyan pa ring nananatili sa mga evacuation centers dahil sa pananalasa ng bagyong Nina.
Sa ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), umaabot sa 77,560 pamilya o katumbas ng 383,097 katao ang mga nasa evacuation centers ngayon na matatagpuan sa Calabarzon,Mimaropa, Bicol at Eastern Visayas.
Sa kasagsagan ng pananalasa ng bagong Nina ay umabot sa 17,277 pamilya o 72,869 katao ang mabilis na inilikas ng mga rescuers ayon pa rin sa report ng NDRRMC.
Iniulat naman ng Philippine Coast Guard na bumaba na sa 10,968 ang mga nalalabing stranded sa ilang mga pantalan samantalang nagbukas na ang operasyon ng pier sa Allen, Northern Samar at Matnog sa lalawigan ng Sorsogon.
Sa kabuuan ay umabot sa 1,047 ang mga stranded na rolling cargoes maliban pa dito ang 37 mga barko at anim na motorized banca.
May ilang mga lugar naman sa Bicol, Mimaropa at Southern Tagalog Region ang putol pa rin ang mga suplay ng kuryente at komunikasyon ayon sa NDRRMC.