Ilang araw bago ang pagsalubong sa Bagong Taon, umakyat na sa 47 ang bilang ng naitatalang firecracker related injuries ng Department of Health (DOH).
Sa datos ng DOH, as of alas 6:00 ng umaga ng Lunes, December 26, sa 47 na nabiktima ng paputok, 42 dito ay lalaki, 34 ay mga bata na edad kinse pababa.
Labingtatlo sa mga nasugatan ay nagtamo ng eye injuries.
Karamihan sa mga biktima ng paputok ay naitala sa Metro Manila na nasa 25.
Habang pangunahing dahilan pa rin ng pagkasugat ay ang ipinagbabawal na piccolo.
MOST READ
LATEST STORIES