Ayon sa PAGASA, alas 10:10 ng umaga nang maglandfall ang bagyo sa Tingloy, Batangas.
Dahil dito, humina pa ang bagyo pero nanatili itong nasa typhoon category.
Sa 11AM weather bulletin ng PAGASA, ang bagyong Nina ay huling namataan sa bisinida ng Tingloy, Batangas.
Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 130 kilometers bawat oras at pagbugsong aabot sa 215 kilometers bawat oras.
Pa-kanluran pa rin ang direksyon ng bagyo sa bilis na 20 kilometers bawat oras.
Nakataas pa rin ang public storm warning signal number 3 sa Batangas, Northern portions ng Oriental at Occidental Mindoro at sa Lubang Islands.
Signal number 2 naman sa Metro Manila, Rizal, Southern Quezon, Marinduque, Cavite, Laguna at nalalabing bahagi ng Mindoro.
Habang signal number 1 ang nakataas sa nalalabing bahagi ng Quezon, kabilang ang Polilio Islands, Bulacan, Pampanga, Southern, Zambales, Romblon, Camarines Norte, Bataan at Calamian Group of Islands.
Sa Miyerkules ng umaga, lalabas na ng bansa ang bagyo.