Ayon sa PAGASA, alas 9:15 ng umaga nang maglandfall ang Typhoon Nina sa nasabing isla.
Ito na ang ikalimang pagtama sa lupa ng bagyo, matapos ang unang nitong landfall sa Bato, Cantaduanes; ikalawa sa Sagñay, Camarines Sur; ikatlo sa San Andres, Quezon at ang ikaapat ay sa Torrijos, Marinduque.
Una nang sinabi ng PAGASA na alas dos mamaya lalabas ng landmass ng Batangas ang bagyo at magtutungo ito sa Cavite.
Sa pagitan ng alas dos at alas kwatro ng hapon ang pinakamalapit na lokasyon ng bagyo sa Metro Manila.
MOST READ
LATEST STORIES