Orange rainfall warning nakataas na sa Occidental Mindoro; Yellow rainfall warning itinaas naman sa Batangas, Laguna at Quezon

Orange Rainfall WarningItinaas na ng PAGASA ang orange rainfall warning sa lalawigan ng Occidental Mindoro.

Ayon sa PAGASA, ilang oras nang inuulan ng malakas ang nasabing lalawigan na inaasahang tatagal sa susunod na tatlong oras.

Dahil dito, binalaan ng PAGASA ang mga residente sa Occidental Mindoro sa posibleng pagbaha, at pagkakaroon naman ng landslides sa mga bulubunduking lugar.

Samantala, yellow rainfall warning naman ang nakataas sa mga lalawigan ng Batangas, Laguna at Quezon.

Nakararanas naman ng light hanggang moderate na pag-ulan na kung minsan ay mayroong malakas na buhos ng ulan sa Metro Manila, Bataan, Bulacan, Nueva Ecija, Pampanga, Tarlac, Zambales, Cavite at Rizal.

Payo ng PAGASA sa publiklo, mag-antabay sa susunod nilang abiso mamayang alas 10:00 ng umaga

 

 

Read more...