Nananatiling stranded sa iba’t ibang pantalan sa mga lugar na apektado ng bagyong Nina.
Sa datos ng Philippine Coast Guard, kaninang alas 4:00 ng madaling araw, aabot pa rin sa 12,019 ang kabuuang bilang ng mga stranded na pasahero sa mga pantalan.
Kabilang din sa stranded ang mahigit isang libong RORO, 45 barko, at anim na motorbanca.
Mahigpit pa ring ipinagbabawal ng Coast Guard ang paglalayag lalo na sa mga lugar na may umiiral na public storm warning signals.
Dahil dito, maraming pasahero ay sa mga pantalan na nagpasko.
Samantala, daan-daang international at domestic flights na ang kanselado dahil sa sama ng panahon na dulot ng bagyong Nina.
Kapwa nagpa-abiso ng napakaraming kanseladong flights para ngayong araw December 26 ang Philippine Airlines at Cebu Pacific.
Payo ng dalawang airline companies sa mga pasaherong may schedule ng biyahe ngayong araw, tumawag na lamang muna sa kanilang opisina bago magtungo sa airport.
Samantala, ang EVA Airways ay nagkansela na rin ng magkakasunod nilang Manila-Taipei at Taipei-Manila na biyahe ngayong araw.