Bagyong Nina, humina, nakataas na public storm warning signal #4, inalis na ng PAGASA

Matapos ang apat na beses na pagtama sa kalupaan, bahagyang humina ang bagyong Nina kaya inalis na ng PAGASA ang umiiral na public storm warning signal number 4 sa ilang lalawigan.

Sa 5AM weather bulletin, huling namataan ang bagyong Nina sa 85 kilometer North ng Romblon, Romblon.

Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 150 kilometer bawat oras at pagbugsong 250 kilometer bawat oras.

Kumikilos ang bagyo sa bilis na 20 kilometer bawat oras sa direksyong pa-Kanluran.

Nananatili namang nakataas ang signal number 3 sa mga sumusunod na lugar:

-Camarines Sur
-southern Quezon
-Marinduque
-Batangas
-northern Oriental Mindoro
-Lubang Island
-Cavite
-Laguna

Signal number 2 naman sa:
-Metro Manila
-Rizal
-northern Quezon including Polillo Islands
-Bulacan
-Bataan
-Pampanga
-southern Zambales
– nalalabing bahagi ng Oriental Mindoro
-Romblon
-northern Occidental Mindoro
-Burias Island
-Camarines Norte
-Albay

At signal number 1 sa:
-nalalabing bahagi ng Occidental Mindoro
-Masbate including Ticao Island
– nalalabing bahagi ng Zambales
-Tarlac
-Nueva Ecija
-southern Aurora
-Pangasinan
-Sorsogon
-Catanduanes

 

Read more...