‘Nina’ nasa dagat na muli; Quezon, Batangas, Laguna at Cavite, tinutumbok

 

Nasa karagatan na muli ang bagyong ‘Nina’ matapos nitong tawirin ang Catanduanes at Camarines provinces.

Sa 2:00 AM update ng PAGASA, namataan ang bagyo sa ibabaw ng Ragay Gulf na may layong 55 kilometro sa west southwest ng Pili, Camarines Sur.

Inaasahang sa pagtawid nito ng Ragay Gulf, sunod nitong tatahakin ang direksyon ng southern Quezon, Laguna Batangas at Cavite.

Hindi naman nagbago ang bilis at lakas ng bagyo na taglay pa rin ang hangin na umaabot sa 175 kph at pagbugsong nasa 290 kph.

Patuloy itong kumikilos pa-kanluran sa bilis na 20 kilometro kada oras.

Narito ang lugar na nasa ilalim ng Tropical Cyclone Warning:

Signal No. 4:
Camarines Norte,
Camarines Sur,
southern Quezon

Signal No. 3:
Albay,
Marinduque,
Batangas,
Lubang Island,
Cavite,
Laguna,
rest of Quezon

Signal number 2:
Metro Manila,
Rizal,
Bulacan,
Bataan,
Pampanga,
southern Zambales,
Polillo Islands,
Oriental Mindoro,
northern Occidental Mindoro,
Burias Island,
Sorsogon,
Catanduanes

Signal No. 1:
Rest of Occidental Mindoro,
Romblon,
Masbate kasama na ang Ticao Island,
northern Zambales,
Tarlac, Nueva Ecija,
southern Aurora,
Pangasinan.

 

Read more...