2 patay, higit 30 naospital sa red tide poisoning sa Eastern Visayas

FILE PHOTO/Cebu Daily News
FILE PHOTO/Cebu Daily News

Dalawa ang nasawi habang tatlumpu’t walo ang isinugod sa ospital sa magkahiwalay na insidente ng red tide poisoning sa Eastern Visayas.

Batay sa impormasyon mula sa Department of Health Region 8, kabilang sa dalawang nasawi ay isang 81-year-old na lalaki na kumain ng shellfish na nabili sa Carigara, Leyte noong Huwebes.

Ang iba pang nasawi ay isang 9-year-old na babae mula sa Barangay Tucdao sa bayan ng Kawayan na idineklarang dead on arrival sa Biliran Provincial Hospital.

Apat na iba pa mula rin sa bayan ng Kawayan ang isinugod din sa ospital dahil pa rin sa red tide poisoning.

Noong nakaraang Huwebes, December 22, anim katao mula sa Barangay Balaguid sa bayan ng Cabucgayan ang nalason matapos kumain ng shellfish na mayroong red tide toxin.

Makalipas ang isang araw, tatlumpu katao naman mula sa Maripipi sa Biliran ang nabiktima din ng red tide poisoning.

Dahil dito, nagpaalala ang DOH sa publiko na iwasan muna ang pagbili at pagkain ng shellfish na mula sa mga lugar na idineklarang red tide infested.

Una nang itinaas ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) ang red tide warning sa Biliran Bay, Maqueda Bay sa Catbalogan, Samar at Carigara Bay sa Leyte.

Read more...