Umapela rin siya sa mga Katoliko na huwag magpadala sa “commercialization” ng Pasko.
Nagdaos ang Santo Papa ng Christmas Eve Mass sa St. Peter’s Basilica na dinagsa ng mga mananampalataya.
Sa kanyang homily, umapela si Pope Francis sa mga tao na mag-reflect kung papaano namumuhay ang mga kabataan, na sa halip na mahalin ng kani-kanilang mga magulang tulad ng pagmamahal kay Jesus, ay nagdurusa.
Kabilang aniya sa indignities ay ang pagtatago underground o sa ilalim ng lupa upang makaiwas na mabomba, at sumampa sa mga bangka kasama ang iba pang mga immigrant.
Noon pa ma’y hayagan si Pope Francis sa kanyang pagkondena sa karahasang dala ng mga terorista.
Hinamon din niya ang Europe na tanggapin ang refugees, habang nagpasaring sa mga mayayaman na may masamang pagtrato sa mga kabataan at mahihirap.