35 water trucks ng Maynilad, mag-rarasyon ng tubig sa ilang bahagi ng Metro Manila at Cavite

aug b10 igib manila ruel
Kuha ni Ruel Perez

Bukas pa magsisimulang mag-ikot ang tatlumpu’t limang water trucks ng Maynilad Water Services Inc. para magbigay ng tubig sa mga maa-apektuhan ng limang araw na water interruption.

Sa panayam ng Radyo Inquirer 990AM, sinabi ni Grace Laxa, spokesperson ng Maynilad na dalawang linggo na silang nananawagan sa kanilang mga consumers na mag-ipon ng tubig kaya tiyak na may mga ipong tubig na ang mga ito. “Prayoridad din naming suplayan ng tubig ang mga lugar na mas matagal tatamaan ng water cut” paglilinaw ni Laxa.

Sinabi rin ng tagapagsalita ng Maynilad na tutulong sa pagsu-supply ng tubig ang mga local government officials sa mga lungsod at bayan sa mga apektadong lugar sa Metro Manila at Cavite. Bukod dyan ay tutulong din sa pagbibigay ng tubig ang Bureau of Fire Protection at ang National Disaster Risk Reduction and Management Council.

“Dahil sa laki ng proyektong ito ay minarapat na po naming tuluyan nang putulin ang supply ng tubig sa mga affected areas” paliwanag ni Laxa.

Simula mamyang ala-una ng hapon ay pansamantalang mawawalan ng tubig ang mga consumers ng Maynilad sa mga sumusunod na lugar hanggang sa Huwebes ng gabi.

Magkakaroon ng window time mula Biyernes hanggang Linggo pero sa susunod na Lunes, August 17 ay muli silang mawawalang ng supply ng tubig hanggang gabi ng martes, Agosto 18 para bigyan daan ang pagsasa-ayos ng flood interceptor sa Tondo Maynila./ Den Macaranas

• MUNTINLUPA CITY (41-hour service interruption)
11 a.m. ng August 10 (Lunes) hanggang 4 a.m. ng August 12 (Miyerkules)
– Bahagi ng Barangay Buli, Cupang at Sucat

• CALOOCAN CITY (37-hour service interruption)
1 p.m. ng August 10 (Lunes) hanggang 2 a.m. ng August 12 (Miyerkules)
– Brgys. 21, 24, 25, 26, 27, 30, 32, 33, 34 at 35

• MAYNILA (37-hour service interruption)
1 p.m. August 10 (Lunes) hanggang 2 a.m. August 12 (Miyerkules)
– Tondo – Brgys. 1 to 20, 25, 26, 28 to 39, 41 to 112, 116 to 123, 128, 147 to 186, 221 to 267
– San Nicolas – Brgys. 268 to 276, 281 to 286
– Binondo – Brgys. 287 to 296
– Port Area – Brgys. 649 & 650
– Sta. Cruz – Brgys. 297 to 316, 326 to 335, 353 to 362
– Intramuros – Brgys. 654 to 658
– Ermita – Brgys. 659 to 661, 660-A, 663, 664, 666 to 676
– Paco – Brgys. 686, 687, 830, 832
– Malate – Brgys. 688 to 713, 715 to 727, 729 to 744
– Sta. Ana – Brgys. 745 to 762
– Pandacan – Brgys. 833 to 840, 842, 844 to 846, 848, 849, 853, 855 to 858, 860 to 862, 864, 865, 867, 868, and 870 to 872

• MAKATI CITY (37-hour service interruption)
1 p.m. August 10 (Lunes) hanggang 2 a.m. August 12 (Miyerkules) – – Barangay Palanan

• PASAY CITY (37-hour service interruption)
1 p.m. August 10 (Lunes) hanggang 2 a.m. August 12 (Miyerkules)
– Brgys. 1 to 9, 14 to 23, 33 to 37, 41 to 75, 80 to 144

• PARAÑAQUE CITY (26-hour service interruption)
1 p.m. August 10 (Lunes) hanggang 3 p.m. August 12 (Miyerkules)
– BF Homes
– HEVA, Inner Circle, PDP, GAHA, Executive Triangle, 4S, Garden Rio, Menlo, West Executive, Pablo Roman, EVS, EVA, Villongco/Southbay Homes
– Don Galo
– Marina Bay Homes, Marina Baytowns, Cleveland Towers, Burgundy, Palm Coast Marina, Sentosia

• BACOOR CITY, CAVITE (26-hour service interruption)
1 p.m. August 10 (Lunes) hanggang 3 p.m. August 11 (Martes)
– Alima
– Aniban I-V
– Banalo
– Bayanan
– Campo Santo
– Daang Bukid
– Digman
– Dulong Bayan
– Habay I to II
– Kaingin (Poblacion)
– Ligas I to III
– Mabolo I to III
– Maliksi I to III
– Mambog I to V
– Molino I to II & VI
– Niog I to III
– P.F. Espiritu (Panapaan) I to VII
– Real I & II
– Salinas I
– San Nicolas I to III
– Sineguelasan
– Talaba I to IV & VI to VII
– Zapote I to V

• IMUS CITY, CAVITE (26-hour service interruption)
1 p.m. August 10 (Lunes) hanggang 3 p.m. August 11 (Martes)
– Anabu I-A to I-F, II-A & II-B, II-D to II-F – Bayan Luma I to IX
– Buhay na Tubig
– Bucandala I to V
– Carsadang Bago I & II
– Malagasang I-A to I-F & II-A to II-G
– Medicion I-A to I-D, II-A & II-B, II-D to II-F
– Pag-asa I & II; Palico I to IV
– Poblacion I-A to I-C, IIA & II-B, III-A & III-B, IV-A to IV-D
– Tanzang Luma I, III, IV & VI
– Toclong I-A to I-C, II-A & II-B, III-A & III-B, IV-A to IV-D

• CAVITE (26-hour service interruption)
1 p.m. August 10 (Lunes) hanggang 3 p.m. August 11 (Martes)
– Cavite City
– Kawit
– Noveleta

• ROSARIO, CAVITE (26-hour service interruption)
1 p.m. August 10 (Lunes) hanggang 3 p.m. August 11 (Martes)
– Rosario Water System
– Kanluran
– Muzon II
– Poblacion
– Sapa III
– Silangan I & II
– Wawa II & III

• MUNTINLUPA CITY (24-hour service interruption)
1 p.m. August 10 (Lunes) hanggang 1 a.m. August 11 (Martes)
– Bahagi ng Alabang at Ayala Alabang

• LAS PIÑAS CITY (21-hour service interruption)
1 p.m. August 10 (Lunes) hanggang 10 a.m. August 11 (Martes)
– Almanza Dos
– Almanza Uno
– B.F. International (CAA)
– Manuyo Uno (Perpetual Village)
– Manuyo Dos (BF Martinville, Tiongquiao, Woodsrow 3, Doña Manuela)
– Pamplona Uno
– Pamplona Dos
– Pamplona Tres
– Pilar
– Pulang Lupa Uno
– Pulang Lupa Dos
– Talon Uno
– Talon Dos
– Talon Tres
– Talon Kuatro
– Talon Singko
– Zapote

Read more...